The abc of life, as I sing it by Frenz Louie

Sabi ni Frenz crap daw ito.  Honest, isa ito sa pinakamagandang crap na nabasa ko in a long time. I asked Frenz if I can post this here and he agreed. Thanks Frenz! I owe you a fudgee :-D

Read on…

Hindi ito kanta, pero iilan ito sa mga ginintuang aral na natutunan ko mula sa pinakamagaling at joker kong patnubay – ang buhay:

a. You can’t force others to like you kahit ampalaya ka pa. To put simply, hindi lahat ng tao mapipilit mo sa gusto mo. Proven na yan. So get over it.

b. Huwag masyado magpapaniwala sa pangako. Binibitawan lang ito either tuparin or to shut you up.

c. Mother knows best… so makinig. It doesn’t mean naman na pag nakinig ka ay susundin mo na. Makinig lang. Pero kung ang nanay mo ay si Bakekang, ibang usapan na ito.

d. Wag makipagtalo. Hindi ko naman sinasabi na huwag ka nang mag-law. Sa akin lang, we don’t have to always agree. Kasi nga, we may be looking at the same sky yet see different stars.

e. Learn from the mistakes of others. Kasi hindi ka pagbibigyan ni Tadhana na tikman lahat ng kasalanan. Otherwise, lucky you. And luckier you if you got away with all your sins.

f. Walang sigurado sa buhay… pero siguradong in the end malalagutan ka ng hininga. Kaya habang may buhay, wear smile often. Eto lang ang kasuotang hindi naluluma o namamantsahan.

g. Hindi mo naman pala talaga kailangan gumamit ng earbuds para linisan ang tenga. Kailangan ng ear mo ang wax. Hoy! Narinig mo ba ako!?

h. Wag maging assuming. Ano feeling mo? Siniswerte ka.

i. Kahit wala ka namang urgent na trabaho, magbusy-busyhan pa rin lalo’t naandyan ang boss mo. Ganyan talaga ang buhay. Parang gulong. Minsan nasa itaas, minsan nafa-flat. Aba para rin palang kanta.

j. Kung niloko ka na once, ang laki mo namang tanga kung magpapaloko ka pa twice. Isipin mo, hindi lahat ng matitikman mong maasim mayaman sa vitamin C. Take for example, kili-kili.

k. Love conquers all except toothache. Ouch!

l. Wag mahiya tumawa because laughter lowers levels of cortisol, isang stress hormone. In addition, surround yourself with good people. Pag na-e-expose kasi ang body mo sa sunshine, it makes its own vitamin D.

m. Marami ka pang pipilahang pila sa buhay na ito habang naririnig mo sa background and kantang "It’s the waiting that’s driving me out of my mind." Kaya laging magdala ng libro o anumang mapagkakaabalahan lalo na’t hindi ka naman ganun ka-sociable para makipagkwentuhan sa mga katabi mo. Pero isaksak mo sa kukote mo, wag i-memorize, intindihin.

n. When making choices, weigh the consequences. Like kaligayan ko ba o ni World? Ulitin natin. Kaligayan ko ba? O ni World? Medyo mahirap nga mamili pero may mga sandali talagang isang beses ka lang pagbibigyan ni Pagkakataon. Pampalubag loob – pag nawala man lahat sa iyo, at least nalaman mo kung ano talaga ang mahalaga o nagbigay kahulugan sa buhay mo.

o. Ang lumakad ng matulin pag natinik, mapapa-aray sa sakit. Lalo na’t kung naka-paa lang.

p. Cream Brulee could never be Jell-O. And vice-versa.

q. You can actually be in two places at one time. Minsan. Wag na makipagtalo. Sinabi nang pwede.

r. Hindi na maibabalik ang nakaraan… because just like the words you uttered, they’re already dead. Kaya give importance to Now and Tomorrow bago pa sila kunin ni Lord sa iyo.

s. Sa pagmamahal, laging kakambal ni Kasiyahan si Kalungkutan. It’s a package na kasi eh. You don’t get the one without getting the other. Ika nga love, like life, is a box of chocolates. Minsan makukuha mo Cadbury, minsan Tsoke-Tsoke.

t. Hindi lang ikaw ang may mabigat na problema dud. Kaya stop bitching! Gusto mo kwentahan tayo ng utang, utang na loob and such. Kaya payo ko lang, habang may sasakyan pa, sumakay na! Malay mo, last trip na yun. Ikaw rin, baka matagal pa ang dating ng susunod na biyahe.

u. Pahalagahan ang pamilya at mga kaibigan. Sila lang ang pupulot sa iyo pag nasa kangkungan ka na. Ipagluluto ka pa nila ng adobong kangkong. Pustahan tayo, friends and family last longer than lovers. Di ba nga there are moments when you miss them so much that you just want to pick them like flowers and hug them for real. Pero take note, no matter how close they had been there for us, the furthest they can go with us is up to our grave. Only.

v. Sama ng loob? Let go… masama kay Heart na pagsamahin sila. Like pag nagkasala ka, mag-sorry ka. Hindi naman ganun kahirap bigkasin yun. Para rin lang yan Hi. O Hello. Na taos puso.

w. Be honest. But you don’t have to tell them all. Bakit sino ba sila? Si DJ Mo? And if you still feel repressed, sumakay sa Flying Carpet sa Star City at sumigaw to death non-stop. Don’t worry hindi ka mapagkakamalang baliw.

x. Matuto lumangoy. You’ll never know when the next Great Flood will be. Kaya minsan naman have a date with your own artist. Pero kahit date ng date, wag pahuhuli sa balita. Manood ng CNN. Kung walang cable, TV Patrol. O 24 Oras. Whatever.

y. Love like you’ve never loved before. Mata nya lang naman ang walang latay pag sinaktan ka. Sinaktan ka? Hambalusin mo! Pero once lang gagawin. And if you can’t beat them… arrange to have them beaten. Figuratively, I mean.

z. Afford to get lost. Exciting yun. At eto tandaan mo. Ng Mabuti. Mawala ka man, hindi titigil ang pag-ikot ng mundo. So habang nawawala ka, mag-enjoy ka lang. Sabi nga nila life is short. Totoo yun. Kaya gawin mo na lahat ng gusto at kaya mong gawin habang bata ka pa. Basta yung good lang ha. Aba’y mahirap na atang madi-virginize kung setenta y anyos ka na. Di ba? Haha, joke lang. Kaya ever, don’t live as if you’ll never die, and die as though you had never lived.

Okey now… let’s sing the real ABC…

3 Responses to “The abc of life, as I sing it by Frenz Louie”

  1. Frenz Says:

    Ngek. (cover face) hiya ako. hehe

  2. Tina Says:

    Hanep insan ha, dami ko napulot dyan ha! Madami kang point dyan! Napa-isip tuloy ako bigla!

    1 to 100

    meron kang 110 points!

  3. Liezl Says:

    insan, kopya lang yan sa kay Frenz Louie! ang galing no?

Leave a Reply